Misyon

Maraming mga kapaki-pakinabang na produkto ang naimbento upang gawing mas madali ang buhay dahil sa rebolusyong pang-industriya.

Ang automation at pag-unlad ng Information Technology ay nag-resulta sa mas madaling buhay, ngunit ang kakulangan ng ehersisyo sa mga tao ay naging isang problemang panlipunan.

Ayon sa WHO (World Health Organization), 1.4 bilyong katao sa buong mundo ang nagdurusa nila sa iba't ibang sakit dahil sa kakulangan ng ehersisyo.(Setyembre 2018)

Halos lahat ng tao ay alam na kailangan natin ng ehersisyo para masigasig ang ating pamumuhay, ngunit minsan dahil sa iba’t ibang kadahilanan, hindi Ito Nakagawa o naipagpapatuloy.

Sa isang pag-a-aral na ginawa ng Canadian University of British Columbia sa Swiss University, Geneva at Geneva University Hospital, Leuven Catholic University, Belgium, napag-alaman na likas sa pag-i-isip ng tao na piliin ang mas madaling pamamaraan. (2018)

Kung hindi masaya ang pag-e-ehersisyo, halos lahat ng tao ay hindi magkakaroon ng motibo na ipagpatuloy ito o simulan man lamang ang programa.

            

Isa pang problema ay marami sa mga isports ang may mababang lebel ng partisipasyon mula sa publiko.

Ang aming institusyon ay magpapakilala ng iba’t ibang isports sa tema ng kakulangan sa ehersisyo na may layuning palawakin ang kaalaman ng publiko sa minor isports. Sa pagsasagawa nito, maitataas ang bilang ng mga kalahok sa naturang isports.

Sa mga nasabing paraan, maiiwasan ng mga organisasyong pang-sports ang pagkakaroon ng mga problemang pinansyal.

Ang realidad ay sa kalaunan, nasa sampung porsyento lamang ng mga atleta ang maaring magtagal sa ganitong lipunan.

Karamihan sa mga atleta ay hindi magtatagal sa isang isport kung hindi sila magtatrabaho sa ibang industriya.

Ang aming layunin ay hikayatin ang nakararaming tao na maranasan ang iba’t ibang isports para mapanatili ang kanilang interes sa aktibong pamumuhay. Layunin din ng organisasyon ang makamit ang konsepto ng pagtatrabaho sa nasabing lipunan.

Sundan Kami

>Mga Kasyoso sa Sports Incentive Movement.