Reiki (霊 気) ay isang uri ng alternatibong medisina na tinatawag din na paghilom ng sigla.

Ito ay sinimulan ni Mikao Usui noong 1922 sa isang Buddhist Training Camp sa Mt. Kuruyama Kyoto, Japan.

Ang Reiki ay isang sistema ng paghilom ng buong katauhan; kabilang ang pisikal na pangangatawan, emosyon, pag-iisip at ispiritwal na nagdudulot ng mabuting epekto tulad ng pagkakaroon ng maayos at matiwasay na pakiramdam.

Ito ay simple, natural at ligtas na pamamaraan.

Halimbawa, sa mga atleta o mahilig sa sports- ang Reiki ay maaring makapagpabuti at maging masmaayos ang kanilang abilidad at kapasidad na tutulong upang maging matagumpay sa kanilang larangan.

Layunin namin na magbigay serbisyo sa mga atleta subalit dahil sa pangyayaring dulot ng pandemic kung saan ang karamihan ay apektado lalo na ang mental na aspeto- magbibigay din kami ng serbisyo sa lahat hindi lamang sa mga atleta upang matuganan ang masmalawak na pangangailangan.

Ang aming Reiki team leader ay sertipikadong master therapist na may 19 taon karanasan sa larangan ng pagtuturo at pagbibigay ng therapy. Siya isa ring certified Reiki animal therapist.

Ang healing sessions ay tumatagal mula 40-60 minuto.

Tuwing sessions, ang mga pasyente ay kadalasang nakakaramdam ng antok dahil sa maaliwalas at relaxing na epekto nito sa katawan.

Balita:

Subaybayan ang mga susunod na impormasyon.

Sundan Kami

>Mga Kasyoso sa Sports Incentive Movement.