Donasyon

Salamat sa inyong pakikipagtulungan upang ang organisasyong ito ay maaaring magpatuloy sa pagkamit ng aming hangarin.

Ang inyong donasyon ay gagamitin sa mga kaganapan, kumpetisyon, at edukasyon ng mga kasapi.

Bilang karagdagan, gagamitin rin ito upang matulungan ang mga mag-aaral sa palakasan na pumunta sa ibang bansa, gayon na rin ang mga dayuhang estudyante ng isport na nais pumunta sa Japan kasama ng pagbibigay ng mga aralin sa wika at kultura.

Ang mga donasyon ay maaaring gawing (1) online, (2) sa pamamagitan ng bank transfer, (3) sa panahon ng aming mga sporting events, o (4) sa pamamagitan ng mga sporting events kung saan kami ay kalahok din.

Ang donasyon ay nahahati sa limang antas upang maaari naming maibalik ang kahit kaunti sa aming mga donors.

            

a. Pangkalahatang miyembro: Mga donor mula sa 10,000 yen.

Maaari kang makatanggap ng mga newsletter, mga paanyaya sa iba’t ibang paligsahan at kaganapan, at impormasyon sa pagkuha ng mga boluntaryo mula sa aming organisasyon.

            

b. Mga kasapi sa Gold level: Mga donor mula sa 50,000 yen.

Maaari kang makatanggap ng mga newsletter, mga paanyaya sa iba’t ibang paligsahan at kaganapan, at impormasyon sa pagkuha ng mga boluntaryo mula sa aming organisasyon.

Ikaw rin ay makakuha ng diskwento para sa mga naaayong kaganapan at kumpetisyon.

            

c. Mga kasapi ng Premium level: Mga donor mula sa 100,000 yen.

Maaari kang makatanggap ng mga newsletter, mga paanyaya sa iba’t ibang paligsahan at kaganapan, at impormasyon sa pagkuha ng mga boluntaryo mula sa aming organisasyon.

Mayroon ka ring diskwento para sa mga kaganapan at kumpetisyon, mga diskwento mula sa mga kasosyo sa samahan, mga kaganapan sa korporasyon, at iba't ibang mga produkto.

            

d. Mga kasapi ng Executive level: Mga donor mula 500,000 yen.

Maaari kang makatanggap ng mga newsletter, mga paanyaya sa iba’t ibang paligsahan at kaganapan, at impormasyon sa pagkuha ng mga boluntaryo mula sa aming organisasyon.

Mayroon ka ring diskwento para sa mga kaganapan at kumpetisyon, mga diskwento mula sa mga kasosyo sa samahan, mga kaganapan sa korporasyon, at iba't ibang mga produkto, at mga diskwento para sa pakikilahok sa mga eksibisyon.

Bilang karagdagan, maaari ka ring lumahok sa mga kaganapang pang-negosyo.

            

e. Mga di-kasapi: Mga donor ng hindi hihigit sa 10,000 yen.

Ipaaalam namin sa inyo ang mga aktibidad ng organisasyon, ngunit maaari ka ring makakuha ng mga update mula sa aming website, Facebook, YouTube, Instagram, at Twitter accounts.

            

1. Ang petsa ng pag-expire ng miyembro ay isang taon mula sa pagtatapos ng pagka-rehistro.

2. Tinitiyak ng organisasyon na ang inyong personal na impormasyon ay mapapangalagaan batay sa Personal Information Protection Law.

3. Sa kaso ng mga donasyon MULA sa mga korporasyon, ang buwis ay maaaring mabawasan sa pagtatapos ng taong piskal.

4. Para sa mga corporate donors na higit sa 500,000 yen ang donasyon, ang inyong kumpanya ay mailalagay sa aming digital media at brochures. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin kung nais ninyong makibahagi sa programang ito.

            

Para sa mga online na donasyon, mangyaring i-click ang link sa ibaba:

            

Sa kaso ng bank transfer, mainam na isulat ang mga sumusunod na detalye:

GMO Aozora Net Bank Hojin Eigyobu Branch

Ang account number ay 1171934

Account holder: (sha) Sports Incentive Movement

            

Kung ikaw ay isang miyembro, mangyaring ipadala ang sumusunod na impormasyon sa pamamagitan ng email.

Paksa: Donasyon

            

Nilalaman ng email:

Pangalan:

Buong pangalan Address: Buong address na may postal code

Tanggapin ang aming impormasyon sa pamamagitan ng koreo: oo o hindi

(Nagpapadala lamang kami ng koreo kung ang nilalaman ay napakahalaga. Halimbawa, kapag mahigpit ang seguridad ng kaganapan at dapat ipadala muna ang boluntaryong ID.)

Telephone number: Mangyaring isama ang code ng bansa kung nasa labas ito ng Japan.

(Tatawag lamang kami kung ang sasabihin ay napakahalaga. Halimbawa, kapag ang bagay ay nauugnay sa kaganapan na iyong sinalihan.)

Email address:

(Padadalhan namin ang mga boluntaryo ng mahahalagang impormasyon tungkol sa aming mga aktibidad ayon sa antas ng pakikilahok na ipinapakita sa tuktok ng pahina ng mga donasyon.)

            

Sa kaso ng mga kaganapan at paligsahan:

Tatanggapin ng aming mga kawani ang inyong donasyon, kaya mainam na kumpletuhin ang lahat ng mga pamamaraan sa oras na iyon.

Ang impormasyon sa kung saan at kailan magkakaroon ng donation desk ay maaaring makuha ng publiko sa aming digital media. Kung may pagdududa, mabuting suriin ang digital media bago mag-donate.

            

Sundan Kami

>Mga Kasyoso sa Sports Incentive Movement.